Estudyanteng nakiusap sa UP na bigyan ng second chance, nagtapos sa PLM na magna cum laude
Isang estudanteng ang nakiusap sa University of the Philippines (UP) na bigyan siya ng second chance sa kanyang application noong 2019 ang nakapagtapos ngayon bilang magna cum laude sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Photo credit to the owner

Si Rufino “Ino” Pamaran III ay nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Economics.

Sa isang interview ng Philstar kay Ino, inamin nitong ang viral photo niya noong 2019 ang nagbigay sa kanya ng determinasyon upang maging honor student.

I think the phrase ‘having a chip on my shoulder’ fits how my pursuit of honors became the way it is. I definitely felt more eager to expand myself in college to fully live up to the best of my expectations of myself to do good. I was extremely motivated to learn all that I cannot even just inside the classroom,” pahayag ni Ino. 
Photo credit to the owner

I do feel some sort of sadness due to the changes brought about during the pandemic though. Many college life activities couldn’t be done during the time and it was too late for some of them or they changed so much after the new normal. But I can say that the version of me that held that sign before would be proud of how far we came and that version definitely helped me push forward throughout my time in PLM,” dagdag nito. 

Samantala, nagbigay ng mensahe si Ino sa mga kabataang na-inspire sa kanyang kwento.

“A good message for them is to truly live these early parts of our lives to the fullest with no fear. Challenges like overcoming academic shortcomings and the pandemic always have the chance to hold people down, but everyone is capable of pushing through even the toughest of battles. Staying true to what you feel you need to do is important, too,” pahayag ni Ino.

“Standing outside UP might not have led to the outcome I wanted at the time, but I feel I would’ve regretted it even more if I didn’t stay true to myself and at least try. So I believe stepping out of your comfort zone and trying hard for the things you believe in is always something worth doing for you,” dagdag niya. 

Aniya, ang pagtatapos niya bilang magna cum laude ay tila “unusual feeling” dahil sa kanyang viral photo.
    
“Personally, it’s been so long in my mind since that time that I stood outside UP. So much school works and progress through life happened since then that I get surprised when people I only met recently recall it, for example. A part of me does sometimes wonder what kind of skills I would develop if I was studying under UP, but to see my hard work in PLM be rewarded as an honor student feels very good to me,” sabi ni Ino.


***
Source: Philstar

Video for you:


Source: News Keener

wokes Tuesday, September 12, 2023
Atom Araullo nagsampa ng P2M civil complain laban kina Lorraine Badoy at Jeffrey "Ka Eric" Celiz dahil sa red-tagging
Nagsampa ng 2 million damage suit ang news caster na si Atom Araullo laban kina dating communications undersecretary Lorraine Marie Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz dahil sa red-tagging.
Photo credit to the owner

Ito ay dahil sa “paninirang puri” umano ng dalawang Sonshine Media Network International (SMNI) hosts laban kay Atom sa telebisyon at social media.

Ayon sa ABS-CBN, sinamahan ni Atty. Tony La Viña si Atom at ang mga magulang nito sa Quezon City prosecutor’s office.

Sa report naman ng CNN Philippines, nagpasaya umano si Atom na magsampa ng kaso upang protektahan ang kanyang pamilya at dahil ipagtanggol ang press freedom.

"Pinili kong ipagkibit-balikat ang mga paratang lalo't walang katuturan ang mga ito. Ngunit dahil delikado ang disinformation, lalo kung hahayaan lamang, nagpasya akong manindigan. Ginagawa ko ito para sa kaligtasan ng aking pamilya, ngunit sana ay maka-ambag din ito kahit papaano sa pagtatanggol ng press freedom sa kabuuan," pahayag ni Atom.

Samantala, noong July ay nagsampa na rin ng kaso ang ina ni Atom na si Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Emeritus Chairperson Carol Pagaduan Araullo, laban kina Badoy at Celiz.

Ayon kina Badoy at Celiz, si Atom umano ay isang “communist operative” at ang ina naman nito ay isang high ranking official o recruiter ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.


***
Source: KAMI

Source: News Keener

wokes Monday, September 11, 2023
Ninang nainis sa demanding na nanay: "Kumare, hindi ako bangko. Wala po kayong patago sakin."
Normal na ang pagbibigay ng regalo sa isat isa tuwing sasapit ang pasko. Maging sa paaralan at opisina ay may tinatawag na exchange gifts.
Dyanne Jordan Montiero / Photo credit from her Facebook

Natural na rin sa ating mga Pilipino na tuwing kapaskuhan ay lumalapit o nanghihingi ng aginaldo ang ating mga inaanak. Para sa mga ninong at ninang, hindi naman kailangan na parati kang may ibibigay na regalo sa inyong inaanak.

Ang pangunahing tungkulin ng mga ninong at ninang ay magsilbing mga "co-parent" o katuwang ng mga magulang sa pag-alaga sa mga bata.

Kaya naman talagang nakakainis ang magulang ng ating mga inaanak tuwing namimilit o nagdedemand sila ng ibibigay sa kanilang anak.

Ganito ang naranasan ng netizen na si Dyanne Jordan Montiero.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Montiero na hindi siya tumatanggi kapag may kumukuha sa kanya bilang ninang, kaya naman tila umabot na sa 30 ang kanyang mga inaanak.

In-upload ni Montiero ang mga screenshots ng usapan nila ng nanay ng kanyang inaanak na nanghihingi ng regalo o pera sa kanya. Ang gusto pa nito ay ipadala sa 'smartpadala' o 'm lhuillier' ang aginaldo.

Ayon kay Montiero, hindi niya iniiwasan ang pagbibigay ng regalo o pera sa kanyang mga inaanak kahit na kapos din siya sa pera, ngunit parang nakakalimutan na ata ng iba ang totoong kahulugan ng Pasko at pagiging ninong/ninang.

Hindi po ako bangko… Nagninang po ako para mag-guide sa kanila habang lumalaki. Hindi para maging financer,” saad ni Montiero.








Basahin ang buong post niya sa ibaba:

"KUMARE"

Ako, hindi po ako tumatanggi magninang. Kaya nga ang dami na ng inaanak ko. 30 na yata. Naglalaan ako kahit tig-kokonti para mabigyan sila tuwing pasko. Para mapasaya yung mga inaanak ko. Pero to the point na kelangan ko pa ipadala sa Smart Padala? 

Hindi po ako bangko. Sa totoo lang, wala po akong trabaho ngayon pero nagtabi ako para sa mga inaanak ko. Wala po kayong patago sakin. Nagninang po ako para magguide sa kanila habang lumalaki. Hindi para maging financer. Although syempre pag nakakaluwag luwag, at nangangailangan ang inaanak e pwede mo din naman tulungan financially. Pero hindi po ako ganon. Mahirap lang po ako. Haha. 

Alam ko po yung essence ng Pasko na magbigayan at magmahalan. Kaya di niyo na po ako kelangan iremind. Haha. Basta sakin lang po, pwede niyo naman po akong puntahan pag pasko. Or pag nagkasalubong tayo at dala ko yung papasko ko e ibibigay ko naman po. 

pasensya na kung medyo sarcastic ang mga reply ko. Nakaka-offend na po kase. Yun lang po. Peace yow!
 
Shoutout to all my other kumares and inaanaks! Love you all! Merry Christmas!"

Basahin komento ng ilang netizens:





***

Source: News Keener

wokes Friday, September 8, 2023
Silipin ang tahimik at masayang buhay ni Ate Glow sa UK kasama ang kanyang British husband matapos lisanin ang showbiz
Natatandaan ninyo pa ba si Rene Boy Facunla o mas kilala sa showbiz bilang Ate Glow na impersonator ni former Philippine President Gloria Macapagal Arroyo?
Photo credit: Renee Hampshire | IG

Si ate Glow ay nakilala bilang isang mahusay na komedyante na nagbigay ng ngiti at saya sa mga manonood.

Hindi madaling trabaho ang isang pagiging komedyante dahil kailangan ay magaling ka sa timing at dapat sakto ang pagbitaw mo sa iyong mga salita.

Kaya naman hindi rin nakakapagtaka na marami ang naging tagahanga ni ate Glow bilang impersonator.

Matapos lisanin ang mundo ng showbiz, nagulat na lamang ang publiko sa muling pagbabalik ni ate Glow bilang si Renee Hampshire kapiling ang kanyang british husband.
Photo credit: Renee Hampshire | IG

Malaki na rin ang ipinagbago ng itsura ng dating komedyante dahil gumanda ito at mapagkakamalang isang tunay na babae.

Ayon kay ate Glow, nilisan niya ang mundo ng showbiz dahil mas gusto raw nito ang tahimik na buhay. Nakilala niya kanyang asawa nang siya ay magbakasyon sa United Kingdom at ikinasal sila noong July 2, 2016.

Mahigit anim na taon na silang kasal ng kanyang british husband at ngayon ay makikita sa kanilang social media accounts ang kanilang masayang buhay sa ibang bansa.
Photo credit: Renee Hampshire | IG
Photo credit: Renee Hampshire | IG
Photo credit: Renee Hampshire | IG
Photo credit: Renee Hampshire | IG
Photo credit: Renee Hampshire | IG
Photo credit: Renee Hampshire | IG

Sa pagbisita ni ate Glow sa Pilipinas, ikinuwento niya ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay bago sila magkakilala ng kanyang asawa.

Sa kanyang panayam sa ‘Magandang Buhay’, nagbigay ng mensahe ang kanyang british husband.

“After all we’ve spent much more time together exploring new places, been in the UK., in Europe, or in the Philippines - It’s a pleasure to call you my wife. I’m so very proud of you and I love you very much. We have a fantastic connections and have done since day one. We really embrace our similarities and differences, and it makes us a very strong couple together. And as always darling, I love you today, I love you tomorrow and I love you forever.”


***

Source: News Keener

wokes
Pinay na pupuntang Taiwan na-offload dahil hindi umano nakapagpakita ng 10 birth certificates ng kanyang kamag-anak
Ipinag-utos ng Bureau of Immigration (BI) na imbestigahan ang kaso ng isang Pilipina na na-offload dahil hindi umano ito nakapagpakita ng sampung birth certificates ng kanyang mga kamag-anak.
Photo credit to the owner

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nakatakdang bisitahin ng isang pinay ang kanyang pinsan sa Taiwan nang ma-offload ito dahil umano sa “multiple red flags.”

Kinuwestiyon ng BI ang dahilan ng Pinay sa kanyang pagpunta sa Taiwan.

Naka-schedule ang pagbisita ng Pinay sa kanyang pinsan na si Ammie Liau sa Taiwan noong June 29. Na-rebook ang kanyang flight noong July 1 matapos umano itong hindi makapagpakita ng larawan nila ng kanyang pinsan na magkasama.

Ayon pa sa balita, hiningian umano ng immigration officer ang pinay na magpakita ng 10 birth certificates ng kanyang kamag-anak upang mapatunayan ang relasyon nila ni Ammie.

Gumastos umano ng P17,000 ang pag-sponsor ni Ammie sa flight ng kanyang pinsan.

Dagdag pa, marami umanong hindi pagkakatugma ang sagot ng pinay sa mga tanong ng immigration officer.

Maaari umano itong nagpaplano ng magtrabaho ng illegal sa Taiwan.


***



Source: News Keener

wokes Monday, July 10, 2023
Dating sexy star na si Sabrina M inamin ang relasyon nila ng aktor na si Rico Yan
Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ng dating sexy star na si Sabrina M na nagkaroon sila ng lihim na relasyon ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Photo credit to the owner

Kwento ni Sabrina, nangyari ang kanilang relasyon ni Rico ng maghiwalay sila ng dating ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

“Napakabait ni Rico Yan. After Claudine, naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon. Taon,” kwento ni Sabrina.

Nangyari ang rebelasyon sa isang press conference para sa pelikulang “Manang” ngayong Huwebes, Hulyo 6, na ginanap sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin Entertainment, dahil magkaiba sila ng imahe, minabuti na lamang daw ng dalawa na itago sa publiko ang kanilang relasyon.

Kwento ni Sabrina, nang magsimula na raw ang tsismis noon na may relasyon sila, marami raw ang “dumurog” sa kaniya. Pinagtaasan daw siya ng kilay dahil pinatulan daw siya ni Rico na isang “hubadera.”

“Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan ‘yan eh? Bakit siya pumatol sa isang sexy star? Bakit siya pumatol sa isang hubadera?”

“Pero bilib ako kay Rico dahil hindi siya mapanghusga. Pinagtatanggol pa niya (ako) sa ibang tao. Sinasabi niya kilala ko si Sabrina M, kaya huwag ninyo siyang i-judge,” aniya.

“Hon” pa nga raw ang tawagan nila o pinaiksing “honey.”

Nagkakilala raw sila nang mag-guest siya noon sa noontime show na “Magandang Tanghali Bayan (MTB)” sa ABS-CBN kung saan ito sa mga host. 

Ang MTB ay pinangunahan nina Randy Santiago, John Estrada, at Willie Revillame noon, katapat naman ng “Eat Bulaga!” ng TVJ.

Ani Sabrina, dumadalaw-dalaw raw siya sa puntod ni Rico kapag nagagawi siya sa sementeryong kinalalagakan ng mga labi nito. Noon ding mga burol ay naroon din siya.

Aniya, nang mawala ang aktor ay magkarelasyon pa silang dalawa. Dagdag pa niya, alam raw ni Claudine ang tungkol sa kanilang dalawa ngunit hindi nila ito pinag-usapan. Iginiit ni Sabrina na hindi niya inagaw si Rico mula kay Claudine.

“Alam po ni Claudine na naging kami. Pero never pa namin pinagusapan po. Wala namang problem kasi noong naging kami, wala na sila ni Claudine. Hindi ko naman inagaw si Rico sa kanya noong sila pala. Nagkaroon sila ng movie na ‘Got To Believe’ pero wala na sila no’n. Kami na no’n at alam ko meron na ring iba si Claudine noon,” aniya pa.

Si Rico ay namatay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan dahil sa cardiac arrest dulot daw ng acute hemorrhagic pancreatitis habang natutulog.

Samantala, wala pang pahayag si Claudine o ang pamilya ni Rico tungkol dito.


***

Source: News Keener

wokes Thursday, July 6, 2023
Valentine Rosales nagsisisi sa pag-sorry kay Awra
Nagsisisi ang social media personality na si Valentine Rosales sa kanyang paghingi ng sorry kay Awra Briguela matapos kumalat sa social media ang CCTV footages kung saan makikita ang ginawang pagkakamali ng comedian aktor sa isang bar sa Makati City.
Photo credit to the owner

Matatandaang humingi ng sorry si Rosales matapos siyang batikusin sa naging pahayag niya kay Awra na masyado raw kasi itong matapang at nagmamalinis.

“Awra Briguela I’m sorry for my insensitive comment I deleted it na, I should’ve not made any comments dahil wala naman akong alam sa nangyari super sorry talaga! You’re really a true friend and I hope everything turns out fine,” saad niya.
Photo credit to the owner

Sa hiwalay na Facebook video, nagsisi si Rosales sa paghingi ng paumanhin.

“Sabi ko hindi na ako sasawsaw. Magbabago na ako, hindi na talaga ako sasawsaw pero gusto ko lang bawiin ‘yung apology video ko kay Awra kasi ‘yung ginawa niyang panggugulo dun sa bar at pagpipilit niyang maghubad sa lalaki na ayaw maghubad is hindi magandang ehemplo kaya nag-cause ng kaguluhan… Sana hindi pala ako nag-sorry. Sabi na tama ako eh! Charot!” lahad ni Rosales.

Kuha sa CCTV na pilit na pinahuhubad ni Awra ng pantalon ang isang lalaki at nang hindi ito sumunod sa gusto ng aktor ay pinaghihila nito ang damit at hinabol palabas ng bar. 

Nagresulta ito ng kaguluhan sa may Barangay Poblacion noong June 29.

Ayon naman sa ilang kaibigan ni Awra, ipinagtanggol lamang nito ang isa pang kaibigan na hinipuan umano ng isang grupo ng mga lalaki sa loob ng bar.

Nitong Sabado ay nakalaya na ang comedian matapos magpiyansa ng P6,000, ayon sa ulat.


***

Source: News Keener

wokes Monday, July 3, 2023
Seo Services