Kilalanin Ang "Hot" Boyfriend At Coach Ng Olympic Gold Medalist Na Si Hidilyn Diaz

Bukod sa isa sa mga nagbigay karangalan sa ating bansang Pilipinas, itinuturing na din ngayong celebrity ang female weightlifter na si Hidilyn Diaz simula noong siya ay maging Olympics silver medalist.

Katulad ng ibang personalidad, marami na din ang naging interesado sa personal niyang buhay at ilang mga detalye tungkol sa kaniya. Isa na nga dito ay ang interes ng marami sa kaniyang buhay pag-ibig.

Naitampok na sa ilang mga TV shows at nailathala ng ilang publications at websites sina Hidilyn at ang kaniyang Filipino-Japanese Guamanian boyfriend na si Julius Naranjo.




Si Julius ay isa ding weightlifter na lumaban na din internationally. Sila ay nagkakilala ni Hidilyn sa isang weightlifting championship noong taong 2017.

Ngunit, sa kasamaang palad ay nagkaroon ng career-ending back injury si Julius na naging dahilan ng kaniyang maagang pagreretiro sa kumpetisyon.

Ayon sa ulat mula sa PEP.ph, lubos na pinaghandaan ni Hidilyn ang na-postpone na 2020 Tokyo Olymapics na itinuloy ngayong Hulyo 2021. Kaya naman noong mga panahon na siya ay na-lockdown sa Malaysia noong nakaraang taon, ginugol niya ang mga oras niya para sa training.

Kasama ni Hidilyn sa kaniyang training camp ang strength ang conditioning coach at kasinatahan niya na si Julius.

Sa isang panayam ni Hidilyn sa editors ng Summit Media nitong Marso, naitanong sa kaniya kung mahirap bang maging coach ang kaniyang kasintahan.


Para kay Hidilyn, napaka-swerte niaya dahil naging coach niya ang kaniyang kasintahan. Ngunit, alam niya na mahirap din ito para sa kaniyang kasintahan dahil aniya ay mahirap turuan ang mga elite athlete, katulad niya.

Sagod ni Hidilyn,

"Sa totoo lang ayaw namin pag-usapan na ganun. Swerte ako na yung coach ko ay boyfriend ko din. Pero mahirap din. Sa part niya kasi mahirap turuan ang elite athlete, lalong lalo na ako. Hindi ako basta basta nakikinig, kinukwestiyon ko lahat at hindi ako basta basta sumusunod."


Dagdag pa niya,

"Pero as a couch, kailangan we have to prove na magaling ka. Kasi elite athlete ako eh... Pero right now, swerte ako na magaling yung coach ko, magaling siya. At magaling din yung image na pinapalakas nila ako.


"So kung kumusta ako, swerte ako na nandito sila, na nandito din yung coach ko, na nandito siya, si coach Julius. Nung time na ayoko na, ayoko na.. Syempre nasa pand3mic tayo. May mga time na ayaw ko na, nandyan sila para i-lift ako."


Source: The Relatable

wokes Tuesday, July 27, 2021
Mag-Asawa, Nagulantang Sa Idinagdag Ng Waiter Nang Ipina-Takeout Nila Ang Natirang Pagkain

Kinagiliwan ng mga netizens ang kwento ng mag-asawang nagpa-take out ng natira nilang pagkain mula sa isang restaurant sa Batangas.

Sa post ng mister na si Lorenzo Faraon, nanghinayang umano sila ng kaniyang misis sa pagkain na kanilang natira noong kumain sila sa isang restauranta sa Batangas kaya napagdesisyunan nilang mag-asawa na ipabalot na lamang ito para maiuwi pa nila.

Pero dahil nahihiya siyang magsabi na ite-take out na lamang nila ang natirang pagkain, sinabi na lamang nila sa waiter na balutin ang mga pagkain para sa kanilang alagang aso.

Ngunit ang totoo ay kakainin pa sana nila ang pagkain na natira kung sakali man na sila ay magutom pag-uwi ng kanilang bahay.

Pagbabahagai ni Lorenzo,

“So tinawag ko si kuyang waiter, sabi ko bossing sayang ito itake-out ko nalang para sa aso nmin.”

Noong ibinalik na sa kanila ang kanilang take out, magiliw pa na sinabai sa kanila ng waiter na dinagdagan na niaya ito ng pagkain upang mas marami ang maipakain nila sa kanilang alagang aso.

"Sinamahan ko na din po ng iba pang tira-tira para mas madami po kayong maiuwi sa aso niyo.” 

Natulala na lamang daw sila sa waiter at sinabi sa sarilai na sana ay inubos na lamang nilang mag-asawa ang pagkain na natira.

Mabilis na naging viral sa social media ang naturang post ni Lorenz at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. May ilan na natawa sa karanasan ng mag-asawa ngunit may ilan din naman na nagpahayag na sana ay sinabi na lamang ang totoo sa waiter.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"wla namn kase nkakahiya magpatake out.. nsa pagkatao mo na un kung masyadong mataas tingin mo sa sarili mo kya nahihiya ka gawin ung mga karaniwang ginagawa ng mga ordinaryong tao.."

"Wag ka kc magkunwari tama naman s waiter mapagbigay pa"

"sayang na tuloy hahah imbis malinis nasaliham pa ng ibang tiratira 🤣"

"Mapagkawanggawa yung waiter e tutal aso naman yung kakain eh,dapat sinabi na lng pakibalot under stood na yun ng waiter na sa tao yun,lesson learn mag paka totoo"



Source: The Relatable

wokes
Ellen Adarna at Derek Ramsay, Inamin Na Di Pa Natitikman Ang Tamis Ng 'First Kiss'

Sa isang panayam, inamin ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na pinangako nila na hindi pa nila titikman ang matatamis na halik ng isa't isa hanggang hindi pa opisyal ang kanilang relasyon.

Ayon sa dalawa, mali umano ang paratang na ibinabato ng ilang mga netizens laban sa kanila na nagtikiman umano mula sila bagong maging opisyal ang kanilang relasyon.

Inalala pa nina Derek at Ellen ang nakakatawang eksena noong una nilang hinalikan ang isa't isa. Pagbabahagi ng aktor, ngipin umano ang ginamit ni Ellen para halikan siya sa halip na labi nito.

Saad ni Derek sa panayam sa kanaiya ni Dr. Vicki Belo sa YouTube vlog nito,

"Nothing happened to us, not even until naging kami, there was something kasi she told me that night. 'If this ever happens, it has to be when I'm sober so that I can feel the energy.' She wasn't sober. And all the other times when we were hanging out, it's like, I wanted to respect her, I wanted to know where this was going."

Natatawang dagdag ng aktor,

"And then there was this one time, I took her home, and I said, okay, this is the night I think at least I'll get a kiss, and I think she was thinking the same thing. And we were there in the car. Then she kissed me, but not with her lips, she used her teeth. She jammed her teeth into my face."


Pagbabahagi naman ni Ellen,

"Because and tagal kong inisip. Parang, okay,a should I kiss him? Okay, ito na. And then natawa na ko sa sarili ko. Why am I thinking about this? Why am I stressing about this? So finally, I decide to kiss him, and then natawa na ako sa sarili ko."

Sa mga nakaraang interview, sinabi ni Ellen na wala siyang plano na magpakasal ngunit ang lahat ng ito ay biglang nagbago noong makilala at minahal niya si Derek.


Source: The Relatable

wokes
Ping Medina, Nakakaawa Ngayon Ang Kalagayan Matapos Mawalan Ng Pera Dahil Sa Pandemic

Inamin ng aktor na si Ping Medina na hindi niya akalain na aabot siya sa punto na manghihingi ng tulong pinansyal mula sa marami dahil sa kawalan ng pera.

Sa kaniyang Instagram post nito lamang Linggo, Hulyo 5, sinabi ni Ping na naubos ang pera na mayroon siya dahil nalugi ang kaniyang negosyo at masamang kapalaran na dumating sa kaniaya ngayong taong 2021.

Ayon sa aktor, ginamit umano niya ang natitira niyang pera na P36,000 para maging sabong agent at naipautang niya ang ilan sa natitirang pera sa isang kliyente.

Hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na bayad mula sa kaniyang "master agent" sa sabong at maging ang kliyente na nangutang sa kaniya ay hindi pa din nagbabayad.

Kahit pa man ayaw niyang manghingi ng pinansyal na tulong, nangangailangan siya ngayon ng pera upang bayaran ang renta ng condominium unit na kaniyang tinitirhan at ang physical store ng kaniyang negosyo na sausage sandwiches.

Noong Biyernes, Hulyo 23 ay ipinagdiwang ni Ping ang kaniyang ika-38 kaarawan.

Saad ni Ping sa kaniyang socmed post,

"MY WEIRD BIRTHDAY POST. Friends, I need a huge favor. See, I tried being a sabong agent last month. My master agent asked me for money to keep our account going. I also had a player who would spend 10k a day so when she asked for an advance I thought she was good for it."

"They both haven't paid me. Exact amount is 36k. That's my business' rent money and 2 months amortized rent for my condo this coming Aug 1. I don't know when they will pay."

Dagdag pa niya,

"I've been doing okay since the pandemic but I ran into a bad streak this year. The second ECQ killed physical store sales at Bulilith Smoked Sausages. Customer traffic is starting to normalize but there were 3 months of people not wanting to go out. I needed another source of income"

"Unfortunately, sabong found me. I never gambled before in my life so I didn't know the effect it has on people. Sadly, I've come to witness that it is truly an addiction preying on weak minds.

Saad pa ng aktor, handa umano siya na iwan ang buhay na mayroon siya ngayon sa Manila at manirahan na lamang sa probinsya kung sakali man na wala na siyang maging option pa na iba.

Paliwanag ni Ping,

"Thing is, I don't want to borrow money. I'd rather lose everything then move to Sagada to plant crops. I'm totally ready to fulfill my life-long dream of being a meditating forest hermit. Lol. 

"But if I'm gonna do that I want to be sure I've exhausted all possible means to keep up this lifestyle. I can let go of all this. Lifestyle is not important. Life is."

Nagbabakasali din ang aktor na mayroong mabubuting puso ang tumulong sa kaniya.

Sabi pa ng aktor,

"So now, I'm publicly begging for birthday donations. For me. Doesn't matter if it's 1 or 1000 pesos. Please know that you extending a helping hand is the most important gesture here. Today, I am relying on your kindness.

"PS. If we're both in need, you can greet me in the comments instead! I was planning to do a community pantry from my sabong earnings but alas. Lol. If ever there are excess donations I would gladly use it for that!"

Kaakibat ng post ang QR codes ng Gcash at bank accounts para sa mga nais magbigay ng donasyon sa kaniya.

Upang patunayan na siya talaga ang nasa likod ng kaniyang Instagram post, nilakipan niya ito ng isang video kung saan nagbigay siya ng mensahe at sinabing,

"I'll be fine, guys. Hello from me and my pimple."


Source: The Relatable

wokes
Isang Socmed Influencer, Sinasabing Kamuha Ni Jimin Ng BTS

Si Marlou Arizala o mas kilala na ngauon bilang si Xander Ford ay isa sa mga kilala at kontrobersyal na social media personality sa Pilipinas. Kasunod ng pagbabago ng pisikal na kaniyang kaanyuan, pinabago din niya ang kaniyang screen name bilang si Xander Ford.

Ngunit, noon pa man noong siya ay si Marlou Arizala pa ay madalas na siyang nakakatanggap ng mga negatibong komento at batikos mula sa mga netizens.

Sa isang post ni Xander sa kaniyang social media account, tinawag niya ang kaniyang sarili bilang 'Jimin' ng Pinas. Si Jimin ay miyembro ng kilalang South Korean boy group na BTS.

Kaakibat ng post ay ang larawan ni Xander kung saan ginaya niya ang pose ng nasabing K-Pop icon. 

Mabilis na naging usap-usapan sa social media ang naturang post. Umabot pa ito sa mahigit na 100,000 reactions, 35,000 comments, at 83,000 shares. Maraming netizens ang hindi natuwa sa post na ito ni Xander at muli ay nakatanggap na naman siya ng mga negatibong komento.


Bukod pa diyan, nag-post pa si Xander ng isang video na may caption na: "Pambansang Opp Park Jim Ph." Sa naturang video, makikita ang ginagawang paggaya ni Xander sa post at estilo ni Jimin. Ang naturang video ay umabot sa mahigit na 100,000 reaction at 20,000 comments.


Sa comments section ng naturang video, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang hindi pagsang-ayon sa nasabing caption ng video na ito ni Xander.

Marami pa ang nagsasabi na dapat ay matigil na ang pag-iilusyon ni Xander na siya ay kamukha ni Jimin dahil malayong malayo ang kanilang hitsura, estilo, at personalidad sa isa't isa. 

Ngunit, sa kabila ng mga pambabatikos, bash, at negatibong komento na natatanggap ni Xander sa social media, hindi niya ito pinapansin sa halip ay patuloy pa din siya na nagpo-post ng mga larawan at videos sa kaniyang mga social media accounts.


Source: The Relatable

wokes Saturday, July 24, 2021
Babaeng Minamaltrato Ng Asawa, Lumaban, Bumangon At Inayos Ang Sarili

Ang pag-aasawa ay siyang nagbibigay ng malaking responsibilidad kapag ang dalawang tao ay nag iibigan at pinili ng bumukod o mag simula ng sariling pamilya.

Ngunit batid nito, mayroong mga hindi pag uunawan ang dalawang mag asawa mapa pinansyal man ito pangyayari, o sa mismong pamilya.

Kaya ugaliin na piliin ang iyong pakakasalan kasi gaya ng sabi ng iba hindi mo makikilala ang tunay na ugali ng isang tao kapag hindi mo ito kasama sa iisang bubong.

Kagaya na lamang ng kwento ni Michelle mayroong anim na anak at sinasaktan pa mismo nito ng kanyang asawa.

Ayon sa kanyang kwento hindi raw mabuti ang pinapakita ng kanyang mister sa kanya sa kabila ng kahirapan nila sa buhay..

“Binubugbog po ako ng asawa ko! Sinusuntok niya ako sa mukha, sa sikmura at sinasakal. Umagang-umaga, may mga pasa na ako!" batid pa ni Michelle.


Sa kabila ng di magandang pinapakita ay pinili ni Michelle na wag iwan ang kanyang asawa dahil sa kanyang mga anak. Ayaw niyang lumaki ito na walang amang kinikilala.

"Pero tiniis ko lahat ng ‘yun. Iniisip ko kasi na kapag iniwanan ko siya, ‘yung mga anak ko, lalaki nang walang ama."

Ngunit matapos malaman na pati ang kanyang mga anak ay sinasaktan na rin, di niya na tiis ito ang iniwan niya na ng tuluyan anf kanyang asawa at ipinaalaga sa kanyang nanay ang anim na anak nito.

"Pero nu’ng sinasaktan niya na ‘yung mga anak ko, doon na ako nag-isip kung paano kami makakaalis." 

Hanggang inuto ko ‘yung asawa ko. Sabi ko mag-aabroad ako at kapag nandoon na ako, ibibigay ko lahat ng gusto niya. Kaya pumayag siya. Nakaalis ako.

‘Yung mga anak namin, iniwan ko muna sa nanay ko.

Dito ko na sinimulang ayusin ang sarili ko at buhay namin.

2013 noon nang kunan ang litrato at ngayong 2021 makikita ba malaki ang pinagbago ni Michelle dati ay losyang ngayon ay makinis na ang balat nito. Ano kaya ang kanyang sikreto. Ito ba ay matapos malaman ang kanyang halaga bilang isang babae? 

"May ibang nagsasabi sa akin, nagparetoke raw ako, uminom ng mga gamot pampaganda. Pero ang hindi nila alam, may sikreto ako kung paano mula sa pagiging losyang, nag-glow up na raw ako ngayon.”

Kaya sa lahat, kung mag papakasal kalang rin naman doon sa taong kaya nyong unawaain at lamapan pareho ang bawat daraan na mga problema. Hindi doon sa mahal ka lang kapag masaya at okay ang lahat.

Alamin ang patuloy na kwento ni Michelle ngayong linggo sa episode ng Kapuso Mo Jessica Soho.


Source: The Relatable

wokes
Ynez Veneracion, Binalikan Ang Karanasan Sa Sobrang Liit Na Talent Fee Niya Noong Nagsisimula Pa Lamang Siya

Pa extra-extra lamang noon ang sexy aktres na si Ynez Veneracion sa mga pelikula noong late 90's at kumikita lamang siya ng 50 pesos sa bawat extra roles nito.

Hanggang sa nadiskubre ang aktres sa kanyang sexy roles, hindi na gaano ka baba ang kanyang kinikita dahil siya ay gumaganap na bilang leading lady.

Ayon sa isang interview noong July 21, masaya ang aktres dahil sa wakas ay main role na siya sa mga pelikula na kanyang ginampanan, at hindi na ito pa extra extra.

"Tuwang-tuwa ako kasi dati, extra lang ako sa pelikula. Dati kasi, huwag kang kukurap. Kasi pag kumurap, hindi mo ako makikita. Ito yung tipong nasa likod ka lang ng artista, kumakain. Nakaupo, kumakain, o kaya tatawid," pagsasalaysaly ni Ynez.

“So sabi ko, ‘Hindi ako masaya, hindi niyo ako nakikita.’ So, ngayon, nung nagkaroon ako ng bidang pelikula, siyempre tuwang-tuwa ako.

"Kasi yung dating fifty pesos na talent fee ko a day, naging ano na... kasi nauso dati yung pito-pito, e, pito-pito movies yung seven days mo lang siya gagawin."

Ang “pito-pito” films ay pinauso ng Regal matriarch na si Lily Monteverde noong '90s, kung saan ang isang pelikula ay may P2-million budget lamang at kailangang matapos sa loob lamang ng pitong araw.

Paglalahad ni Ynez, "Sa Regal Films yun, seven days mo lang siya gagawin. So, nag-TF [talent fee] ako nun ng P70,000 for seven days. So, sabi ko, ‘Oh my God, yung fifty pesos ko, naging ten-thousand plus a day.’"

“Sobrang tuwang-tuwa ako nun kasi bida ka na, tapos ang laki ng talent fee mo, di ba? From fifty pesos, ang laki ng itinaas. Sabi ko dati, ‘Lord, pangarap kong maging artista. Kahit bit roles lang, okay na.’ Pero mas malaki pa ang ibinigay Niya sa akin, kaya tuwang-tuwa ako nun.

“Kahit na nahirapan ako sa first role kasi sexy sobra, e"

Taong 1997 ang kauna-unahang pelikula ni Ynez kasama ang mga leading man nito na sina Gino Antonio at Toffee Calma.

Ayon kay Ynez dahil nga kadalasan ay sexy ang roles nito sa pelikula hindi naman daw ito ginawang dahilan ng ilan niyang leading man para siya ay bastusin, sa tutuusin after the film ay mismong tinatakpan siya nito.

“Pero thankful din ako kasi yung mga leading man ko, lahat sila magagalang, lahat sila mababait, lahat sila pinuprotektahan ako.

“After the scene, tinatakpan nila ako, mababait din sila talaga.”


Source: The Relatable

wokes
Seo Services