“Pantasya ng bayan” noon na si Joyce Jimenez, naaalala niyo pa ba siya? Heto na pala ang buhay niya ngayon
Siguradong kilala ng bawat batang 90's ang dating sexy star na si Joyce Jimenez dahil talaga namang nag-iwan ito ng marka sa mundo ng showbiz sa buong Pilipinas noon.
Joyce Jimenez / Photo credit to the owner

Siguro ay minsan napapaisip at napapatanong ka rin kung nasaan at kung ano na nga ba ang nangyari sa tinaguriang "Pantasya ng Bayan?"

Bago ang lahat, nagsaliksik muna kami ng ilang impormasyon patungkol kay Joyce.

Ayon sa isang article ng GMA News, Joyce Reintegrado ang totoong pangalan ng sexy star.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Isa sa mga naging pelikula nito ay ang “Warat” kasama ang aktor na si Jomari Yllana.

Bukod sa pagiging sexy star ay sinubukan rin ni Joyce ang romantic comedy tulad ng ‘Ano Bang Meron Ka?’ kung saan nakatambal niya si Deither Ocampo at 'Narinig Mo Na Ba Ang L8test?' kasama naman si Aga Muhlach.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nakasama rin ni Joyce si
na Assunta de Rossi at Comedy Queen of the Philippines na si Aiai Delas Alas sa pelikulang “Pinay Pie.”

Naging suki rin ng mga men’s magazine ang aktres noong ’90s at huli siyang naging cover ng FHM Magazine noong 2007.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Noong August 2008, nagpakasal si Joyce sa kanyang Fil-Am boyfriend na si Paul Ely Egbalik na isang US Air Foce.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ngayon ay may tatlo na silang anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson.
 Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson / Photo credit to the owner

Sina Jaysen at Julian ay parehas na-diagnose ng Autism. Simula noon ay naging strong advocates for awareness ang kanilang pamilya.
Photo credit to the owner

Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak ay hindi parin maitatanggi na sexy at fit pa rin ang dating tinaguriang pantasya ng bayan.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ngayon ay naka-base na ang kanilang buong pamilya sa Southern California kung saan dun din siya ipinanganak at lumaki. Si Joyce ay full-time mommy and wife.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Taong 2016 naman noong bumalik sa Pilipinas ang aktres upang daluhan ang kasal ng kanyang kaibigang si Rufa Mae Quinto.
Photo credit to the owner

Nagpost din siya ng kanyang larawan noong 2017 patungkol sa kanyang health journey.

“…The pictures reflect my 3 weeks of progress and to see the changes since have been amazing. Not only has my body physically changed but also my eating habits, mentality, and thought process. I've realized that it's not just about the number on the scale but how you feel. The difference in weight is only 5lbs but I can definitely see the changes. If you think that you can't change your habits YOU CAN, If you can't lose those last couple of lbs YOU CAN...sometimes you just need a little help, motivation, and encouragement. PM so we can start this health journey together!"

Photo credit to the owner


***

Source: News Keener

wokes Thursday, January 19, 2023
Video ng panunulak ni Alex Gonzaga sa isang dancer, viral; Dancer nagsalita: "Imbyerna sa personal"
Mainit na diskusyon sa socal media ang nangyaring pamamahid ng icing ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga sa isang waiter sa kanyang ika-35 na kaarawan.
Photo credit to the owner

Samut-sari ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging asal ni Alex at karamihan ay nakisimpatya sa waiter.

Marami ang nainis at nagalit sa ginawa ni Alex kaya maging ang video niyang noong 2015 ay muling lumutang.
Photo credit to the owner

Sa video ay mapapanood na sumasayaw si Alex kasama ang kanyang mga back up dancers.

Habang sumasayaw ay biglang itinulak ni Alex papalayo sa kanya ang isa sa mga dancers at maririnig umano ang salitang “Doon ka nga.”

Narito ang video sa ibaba:

Naganap ang mga pangyayari sa party ng isang BPO company.

Hindi naman matukoy kung nagbibiro lamang o seryoso ba ang aktres-vlogger sa kanyang ginawa.

Samantala, sa comment section ay nagsalita ang dancer na si Sherrie Lopez. Aniya, hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kanya ni Alex.

“Imbyerna si ateng sa personal eh. Titisurin ko ko sana.”

Aniya, gusto raw ni Alex ay nasa kanya lamang ang sentro ng attraction at ayaw nitong masapawan.


Wala namang inilabas na reaksyon si Alex noon patungkol sa nasabing video.


***

Source: News Keener

wokes
Dating aktres at ex-girlfriend ni John Estrada na si Vanessa del Bianco: Ano na ang buhay niya ngayon?
Dating TV host at aktres ng ABS-CBN Network si Vanessa Del Bianco. Una siyang lumabas sa TV show na “Gimik”, isa sa pinakasikat na youth-oriented show noong 1996.
Vanessa Del Bianco / Photo credit to the owner

Isang kontrabida ang naging role si Vanessa noong naging guest siya sa Gimik. Agad na napansin ng mga viewers ang s3x appeal nito. Sabagay, Filipino-Italian ang dating aktres at lumaki sa Canada.

Naging agaw pansin ang kanyang angking ganda, kaseksihan at karisma na taglay. Hindi rin maitatanggi na isa siya sa mga dating aktres na hinahangaan at pinapantasya ng maraming kalalakihan noon.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

Sumali rin si Vanessa noon sa ABS-CBN’s Star Circle Quest Batch 4 bago ito napasama sa “Gimik.”

Isa si Vanessa sa mga artistang may magandang career noon sa showbiz. Nagkaroon siya ng maraming primetime TV series at ilang TV commercials at isa doon ay ang anti-dundruff shampoo.

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Randy Santiago, Willie Revillame at John Estrada / Photo credit to the owner

Noong 1998 ay naging mainstay host siya ng noontime show ng Kapamilya Network na “Magandang Tanghali Bayan”, kasama dito ay sina Randy Santiago, Willie Revillame at John Estrada.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

Marami ang humanga sa ganda ni Vanessa lalo na sa kanyang galing sa pagsayaw. 

Naging host rin ang aktres sa reality show na “Stardance: The Search for the Dance Idol.” 

Tulad ng ibang mga artista, nasangkot din sa isang kontrobersyal na issue ang aktres matapos kumalat na siya ang third party sa mag-asawang John Estrada at Janice de Belen.
Marvin Agustin, Rico Yan, Vanessa del Bianco at Dominic Ochoa / Photo credit to the owner
John Estrada at Janice de Belen / Photo credit to the owner

Katulad ng ibang shows, natapos ang MTB noong 2005. Kasabay nito ang pagtamlay ng career ni Vanessa.

Kumalat rin ang usap-usapan na noong umuwi ng umuwi ang aktres sa bansa kung saan siya lumaki ay sumunod sa kanya si John. Sa kabila ng mga espekulasyon ng pagkakaroon ng relasyon ng dalawa, hindi sila umamin hanggang sa isapubliko na lang ni John na sila ay hiwalay na.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

Dahil naman sa nangyaring paghihiwalay nina John at dating asawa na si Janice, marami ang nagbigay ng kanilang opinyon at ang iba ay sinisisi si Vanessa sa nangyaring pagkasira ng masayang pamilya noon ng nasabing aktor at aktres.

Hindi nagtagal ay tuluyan ng nilisan ni Vanessa ang bansa at iniwan na ang showbiz career sa Pilipinas. Aniya, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

At that time, it was right for me to leave and pursue something else that I was very passionate about - school. Something I was putting on hold for a long time,” sabi ni Vanessa.

Samantala, marami ang naniniwala na kaya umalis ang aktres ay dahil buntis ito at nagpakasal na sila ni John.

Sa ngayon ay naninirahan si Vanessa sa Canada bilang isang sales manager sa Mayfair Club at paminsan-minsan ay sumasabak sa modeling at commercial advertisements.
John Estrada, Priscella Meirelles at anak na si Anecka / Photo credit to the owner
John Estrada, Priscella Meirelles at anak na si Anecka / Photo credit to the owner

Mayroon na rin bagong pamilya si John at "happily married" na ngayon sa asawang si Priscilla Meirelles na isang beauty queen. Sila ay mayroon na ring mga anak.

Naging magkaibigan namang muli sina John at Janice sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Mas pinili ng dalawa na maging magkaibigan para na rin sa kanilang mg anak.


***

Source: News Keener

wokes Tuesday, January 17, 2023
Bilang pasasalamat, Beauty Queen, lumuhod sa paanan ng kanyang ina na garbage collector
Hindi lamang dapat binabase sa magandang mukha, hubog ng katawan at pagiging matalino ang pagiging isang Beauty Queen. Dapat ay mayroon din itong mabuting puso at busilak na kalooban.
Khanitta Phasaeng and her mother / Photo credit: Elite Readers

Ito ang ipinamalas ng Beauty Queen na si Khanittha “Mint” Phasaeng, 17,  mula sa bansang Thailand.

Si Khanittha ang nanalo sa beauty pageant na “Miss Uncensored News” sa Thailand kung saan inamin niyang isang garbage collector ang kanyang ina.

Ayon kay Khanittha, tinutulungan rin niya ang kanyang ina sa pagkuha ng mga basura upang may maipangtustos sila sa pang araw-araw.

Sa mga reports ng media sa Thailand, hindi raw nahihiya si Khanittha na dati siyang nangongolekta ng mga basura at sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang ina na garbage collector dahil sa mga sakripisyo nito.
Khanitta Phasaeng and her mother / Photo credit: Finance Twitter
Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter
Khanitta Phasaeng and her mother / Photo credit: Finance Twitter

Dagdag pa nila, ang naipong pera noon ng ina ni Khanittha ang kanilang ginamit upang makapasok siya sa competition.

Upang ipakita ang kanyang respeto at pasasalamat, hindi nahiyang lumuhod si Khanittha sa harapan ng kanyang mahal na ina habang suot suot pa ang corona at sash nang makauwi ito galing sa beauty pageant.

I will still help my mother to collect garbage when I’m free even though she is unwilling to let me do it.” saad ni Khanittha.
Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter
Khanitta Phasaeng and her mother / Photo credit: Finance Twitter

Ayon naman sa mga report, nakatanggap na raw ng offer si Khanittha upang maging isang artista.

Samantala, nagkaroon ng komplikasyon ang pagkapanalo ni Khanittha matapos madiskubre na pineke umano nito ang kanyang educational background.

Ayon sa application form, natapos umano ni Khanittha ang Mathayom 6 (Grade 12) noong siya ay 17 years old. Ngunit lumabas na Mathayom 3 lamang ang kanyang inabot.

Tumigil sa pag-aaral noon si Khanittha dahil hindi na kayang tustusan ng kanyang ina ang mga gastusin sa paaralan.
Khanitta Phasaeng and her mother / Photo credit: Finance Twitter
Khanitta Phasaeng and her mother / Photo credit: Finance Twitter

Dahil dito ay nagkaroon ng usap-usapan na babawiin umano ang corona at ang perang napanalunan ni Khanittha.

Ayon sa mga reports, humingi ng tawad si Khanittha at sinabing wala siyang intensyon na dayain ang kanyang educational background. Aniya, ang kanyang uncle umano ang nagfill-up ng form at hindi na niya ito nacheck bago ipasa.
Photo credit: Impressions

Hindi na rin daw niya maibabalik ang napanalunang pera dahil naibigay na niya ito sa kanyang pamilya.

Napagdesisyunan naman ng mga organizers na huwag ng bawiin ang corona at pera kay Khanittha dahil gusto nilang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng gustong sumali sa pageant ano man ang estado ng kanilang buhay at kahit ano man ang natapos nila sa pag-aaral.


***
Source: Angelopedia , TheStar

Source: News Keener

wokes
Isang rider ibinurol na nakasuot ang protective suit habang nakasakay sa paborito niyang motorsiklo
Sa tuwing naririnig natin ang salitang 'lamay', ang agad na pumapasok sa ating isip ay nakaburol ang isang katawan ng yumao at nakahiga sa loob ng kabaong.
David Morales Colon / Photo from Google

Mayroon din namang mga pagkakataon na ang katawan ng yumao ay ikini-cremate. 

Iba-iba ang paraan natin kung papaano natin gustong iburol ang ating mga mahal sa buhay upang maipakita natin kung gaano natin sila kamahal. 

May iba pang bumibili ng mamahaling kabaong na gawa sa ginto upang maipakita lamang ang kanilang pagpapahalaga sa yumao. 

Samantala, sa bansang Puerto Rico, kakaiba ang ginawa ng isang pamilya sa katawan ng kanilang mahal sa buhay na si David Morales Colon.

Kilala ang Marin Funeral Homes sa San Juan, Puerto Rico na gumagawa ng kakaibang klase ng pagbuburol base sa hiling ng pamilya ng yumao.

Hiling ng pamilya ni David ay maiugnay ang burol nito sa kanyang hilig sa pagmomotor.
David Morales Colon / Photo from Google

Ang ginawa ng funeral ay sinuotan si David ng protective suit at sinuotan ng salamin sa mata habang nakasakay ito sa paborito niyang motorsiklo na Honda CBR600.

Ang motorsiklo ay regalo umano ng uncle ng David sa kanya.

Ayon sa artikulo ng NyDailynews, tatlong araw lamang ibinurol si David bago ito dalhin sa kanyang huling hantungan. 

Si David ay 22 taong gulang pa lamang at hilig talaga nito ang pagmomotor. Ito ang piniling arrangement ng kanyang pamilya dahil alam nilang magiging masaya ito at payapa dahil hanggang sa huli ay sinuportahan ang kanyang nais.

Narito pa ang ibang larawan ng mga yumaong inayusan ng Marin Funeral Homes.
Photo from Google

 Photo from Google
Photo from Google

***
Source: Ny Daily News

Source: News Keener

wokes Monday, January 16, 2023
Tatlong taong gulang na bata, binawian ng buhay dahil sa candy
Bilang isang magulang ay napakasåkit na mawalan ng isang anak lalo na sa hindi inaasahang dahilan. 
Photo credit to the owner

Isang ina ang labis ang hinagpïs dahil binåwian ng buhay ang kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki. 

Ayon sa ina ng bata, abala umano siya noon sa kanyang ginagawa at huli na ng mapansin niya na nahihiråpan ng huminga ang kanyang anak.

Nagkaroon pala ng bara sa lalamunan ang bata at ang nakabarang iyon ay isang candy. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Agad na humingi ng tulong ang ina ng bata upang agarang madala sa hospital ang kawawang anak. Ngunit nang makarating sila sa hospital ay huli na ang lahat at wala ng buhåy ang bata. 

Hindi matanggap ng ina ng bata ang nakakalungkot na pangyayari sa kanyang anak.

Isang babala ito hindi lamang sa mga magulang kung hindi maging sa mga taong may kasamang bata na huwag maging kampante at marapat na bantayan silang maigi dahil hindi natin masasabi ang maaaring mangyari sa kanila.


***

Source: News Keener

wokes Wednesday, December 21, 2022
Seo Services